Minsan naisip ko, ginamit mo lang ba ako? Pero para saan?
Sinabi mo lang bang mahal mo ako,
dahil ayaw mo ako masaktan?
Pero mas nasaktan ako nung malaman kong hindi mo naman talaga ako mahal,
na ginawa mo lang lahat yun para hindi ako masaktan…
Mahirap intindihin…
Sana hindi mo na lang ako pinagaralan mahalin.
Sana hindi mo na lang ako pinaglaruan.
Sana hindi na lang kita minahal…
Pero pano yun, hanggang ngayon…
Mahal na mahal na mahal na mahal pa rin kita,
kahit na ilang beses mo na ako sinaktan,
ilang beses mo na ako pinaiyak
at ilang beses mo na rin ako iniwan…
Hindi ko naman sinasadya…
Pasensya na, minahal pa kita.
No comments:
Post a Comment