page

ENOUGH :(


When do we say that it’s enough? Kailan ba tayo nagkakaroon ng lakas ng loob na sabihing tama na? Tapusin na lang natin to. Itigil na natin to. Kailan nga ba tayo magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa ating sarili na ito na ang katapusan. Na di tulad sa computer shop na pwedeng mag extend kahit 30 minutes lang, ito wala na talaga. As in wala na. Tapos na. At kailan tayo nagkakaroon ng lakas ng loob na tanggapin na tapos na nga ang isang bagay?

Ang hirap kaya tapusin ang isang bagay na matagal na naging parte ng buhay mo. Yung tipong nasanay ka nang anjan. Yung tipong akala mo di mawawala. Sabi nga sakin, wag mag assume. Wag masyadong umasa. Kaw din, kaw din masasaktan sa bandang huli. Pero ano naman masama kung umasa ka? Masama bang maging masaya kahit sa nag iisang pagkakataon na yan? Kung papipiliin ka ano pipiliin mo? Yung di ka masasaktan kasi di ka nagtry. O yung nagtry at nasaktan ka? Di ka nga nasugatan, di ka naman natutong magbisekleta. At sa buong buhay mo magtatanong ka, ano kaya nangyari kung sinubok ko? Ano kaya pakiramdam nun?

Kung bibigyan ako ng ilang milyong pagkakataon sayo, pipiliin ko pa din na ibigin ka. Pipiliin ko pa din na umasa na sana habambuhay n atayong dalawa. Pipiliin ko pa din na lumuha sa bawat pagkakataon na nasaktan mo ko. Pipiliin ko pa ding matuklasan ang bawat kasiinungalingan mo. Pipiliin ko pa ding kainin ang pride ko para sa kasalanang nagawa mo. Pipiliin pa din kita. Mamahalin pa din kita.

Wala akong pinagsisisihan. Bawat ngiti, kilig, luha, tawa, kaba, lahat yun, itetreasure ko. Dahil sa isang pagkakataon, kahit sa iisang pagkakataon na iyon, alam kong parehas ang ating naramdaman. At sapat na yun sakin. Ang malaman kong minahal mo din ako.

Ngayon ay nagpapaalam ka na. Tama na ika nga. Hanggang dito na lang. May iba ka nang gusto. Wala na din ako magagawa. I’ve done my part. Enough is enough. There are just certain things or certain people who are not for keeps. Iba kasi ang GUSTO sa DAPAT. I still hurt. I still want you back but there’s nothing I can do. Alam ko naman kung saan ako dapat lumugar. Adios.

Isang araw, mawawala din to. Swerte mo nauna ka lang :'(

...